Tinalo ni Pinoy boxer Daryl “Flash” Basadre via 8th round technical knockout ang walang talong si Yodsingdaeng Jor Chaijinda ng Thailand para matamo ang bakanteng WBC bantamweight Youth title kamakailan sa Sangyo Hall sa Kanazawa, Japan.

“With better skills, speed and power, the 22-year old Basadre dominated Jor Chaijinda, sending the brave Thailander three times to the deck before stopping him in the 8th round earn the WBC Youth World belt,” ayon sa ulat ni Carlos Costa ng Philboxing.com. “The victory is the second title earned by Basadre this year. Last March, he also claimed the World Boxing Federation (WBF) International 115-lbs strap, a victory he achieved by overpowering Julius Alcos in two rounds at Lagao Gym in Gensan.”

Tuwang-tuwa ang manedyer ni Basadre na si Jim Claude Manangquil dahil gumanda ang rekord ng kanyang alagang boksingero sa 14-1-1 (win-loss-draw) na may 10 pagwawagi sa knockouts at umaasa siyang papasok ito sa WBC rankings.

“Daryl (Basadre) was in great shape for this fight here in Japan as he trained really hard at the Sanman Gym in Gensan and this is the result. Daryl overpowered his opponent, did a really great work tonight,” dagdag ni Manangquil.

National

Bagyong Carina lumakas pa, isa nang ganap na tropical storm

Sa iba pang laban, pinatulog sa 1st round ng walang talong Pinoy boxer na si Neil John Tabanao (10-0, 7 KO’s) si Tienchai Sor Kanitsorn ng Thailand.