Pinagbawalan ng Philippine Sports Commission (PSC) na makigamit ng pasilidad ang mga miyembro ng binuong Philippine men at women’s indoor volleyball team dahil sa gusot na nagaganap sa loob ng Philippine Volleyball Federation (PVF).

Ito ang napag-alaman sa buong miyembro at opisyales ng PH men’s at women’s team sa pagdalo sa lingguhang Philippine Sportswriters Association (PSA) forum sa Shakey’s Malate kung saan ay pinagbawalan umano sila na gumamit ng pasilidad matapos na lumutang ang bagong mga opisyal na umaangkin sa asosasyon.

“Hindi na sila pinapagamit ng mga facility sa Philippine Center for Sports Medicine after na lumutang ang mga dating opisyal na nagkiclaim na sila ang legitimate officers ng PVF,” sinabi ng isang opisyal na tumangging pangalanan.

Naging emosyonal naman ang PH women’s team captain na si Rachel Ann Daquis habang nag-iwan ng matinding hamon si PH men’s team Jessie Lopez na kasamang dumalo si PVF secretary general Dr. Rustico “Otie” Camangian.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

“We are saddened by this issue,” pahayag ng maluha-luhang si Daquis.

“Kung kailan kami nabuo, lagi naman kaming ginugulo. Matagal na sana nilang ginawa ng gusto nila kung may pagmamahal sila sa volleyball. Nandito naman si God para itama ang direksiyon. The truth shall prevail,” giit pa ni Daquis.

“We are fighting po for the future of volleyball and the upcoming volleyball players. We are not just fighting for the right persons na maupo sa asosasyon but for the young and upcoming players. Bigyan sana natin ng chance ang mga taong nagmamahal talaga sa volleyball,” sagot naman ni Lopez.

Ipinaliwanag naman ni Camangian na sinusunod ng kasalukuyang PVF interim board ang ipinag-uutos ng Philippine Olympic Committee (POC) na isaayos ang direksiyon ng asosasyon, maging ang Constitution and By-Laws, at alamin ang mga lehitimong stakeholders ng volleyball bago tuluyang isagawa ang eleksiyon.

“Remember, I resigned as sec. gen. in 2010 because of the same nature in PVF. But in 2013, the PVF Board which is consisted of 9 out of 15 members appointed me back as sec. gen. What we are now doing is transitory, in exercise of the status quo in the association,” paliwanag ni Camangian.

“However, maraming naaapektuhan lalo na ang mga player at maging ang sponsors na gustong tumulong sa volleyball because of this sudden claim in the leadership. Huwag naman sana dumating ang panahon na talagang wala nang gustong tumulong na private sponsor sa volleyball bago pa magkaisa ang lahat,” dagdag ni Camangian.

Ito ay matapos na mabuo ang kampo ni PVF Board member Edgardo “Boy” Cantanda na inihalal bilang bagong PVF chairman kapalit ng namayapa na si Pete Mendoza Jr. matapos magpatawag ng board meeting na dinaluhan nina Dulce Pante, Vangie de Jesus, dating PVF president Gener Dungo, Vic Abalos at D’Artagnan Yambao. Ang anak ni Cantada na si Gerard ang ini-appoint naman na PVF secretary general.