LONDON (Reuters) – Naabot na ng mundo ang “the beginning of the end” sa AIDS pandemic na nanghawa at pumatay sa milyun-milyon sa nakalipas na 30 taon, ayon sa isang nangungunang campaign group sa paglaban sa HIV.

Ang bilang ng mga taong bagong nahawaan ng HIV sa nakalipas na taon ay mas mababa kaysa bilang ng HIV-positive na napabilang sa nakakukuha ng mga gamot na kanilang kailangang inumin sa habambuhay upang hindi lamunin ng AIDS.

Ngunit sa isang ulat para markahan ang World AIDS Day noong Disyembre 1, nagbabala ang ONE campaign, isang advocacy group na nagtatrabaho upang wakasan ang kahirapan at preventable disease sa Africa, na ang pag-abot sa milyaheng ito ay hindi nangangahulugan na malapit nang magwakas ang AIDS.

“We’ve passed the tipping point in the AIDS fight at the global level, but not all countries are there yet, and the gains made can easily stall or unravel,” sabi ni Erin Hohlfelder, director of global health policy ng ONE.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

Ang human immunodeficiency virus (HIV) na nagdudulot ng AIDS ay naikakalat sa pamamagitan ng dugo, semen at gatas ng ina. Wala pang gamot para sa impeksiyon, ngunit ang AIDS ay maaaring maantala sa loob ng maraming taon sa tulong ng paginom ng maraming antiretroviral drugs.

Ipinakikita ng datos ng United Nations na noong 2013, 35 milyon katao ang nabubuhay na may HIV, 2.1 milyong katao ang bagong nahawaan ng virus at may 1.5 milyong katao ang namatay sa AIDS. Sa talang ito, ang pinakamalaking bahagi ng bigat ng HIV/AIDS ay nasa sub-Saharan Africa.

Ang pandemya ng AIDS ay nagsimula mahigit 30 taon na ang nakalipas at pumatay na ng umaabot sa 40 milyong katao sa buong mundo.

Sinabi ng United Nations AIDS agency, UNAIDS, na nitong Hunyo 2014, may 13.6 milyong katao sa buong mundo ang mayroon nang access sa AIDS drugs, isang malaking pagbabago sa 5 milyon na nakakukuha ng treatment noong 2010.

“Despite the good news, we should not take a victory lap yet,” sabi ni Hohlfelder. Binigyang diin niya ang ilang banta sa kasalukuyang progreso, kabilang na ang $3 bilyong kakulangan sa pondo na kinakailangan bawat taon para kontrolin ang HIV sa buong mundo.

Pinuna rin ng ONE na ang HIV ay naiipon sa mga populasyon na mahirap abutin gaya ng mga durugistang nagtuturok ng karayom, mga bakla at sex workers – mga grupo na madalas husgahan at nahihirapang makakuha ng paggamot at mga serbisyo ng pag-iiwas.