Ni CZARINA NICOLE O. ONG

Pinag-aaralan ng Land Transportation Office (LTO) ang paghahain ng mga kasong reckless driving at kriminal laban sa driver ng Maserati na si Joseph Russel Ingco, na maaaring magresulta sa pagbawi sa kanyang lisensiya.

Hinimok noong Lunes ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang LTO na kumilos laban kay Ingco at bawiin ang driver’s license nito, na masusing ikinokonsidera ngayon ng LTO. “Natanggap na kahapon ng LTO ang reklamo mula sa MMDA at nasa proseso na kami ng evaluation,” sabi ni LTO Spokesperson Jason Salvador.

“We have already placed the license of Mr. Ingco under alarm habang naghihintay ng resulta ng imbestigasyon,” dagdag niya.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

Sa ngayon, ikinokonsidera ng LTO ang posibilidad na kasuhan si Ingco ng reckless driving at commission of a crime sa pag-aresto, na may katapat na parusang pagbawi sa lisensiya.

“Tinitingnan din namin ang rehistro ng sasakyan (Maserati) na natuklasang unregistered nang mangyari ang insidente,” sabi ni Salvador.

Matatandaang nagreklamo ang MMDA traffic constable na si Jorbe Adriatico ng pananakit laban kay Ingco sa Quezon City, at nagsisisihan ang magkabilang panig