INILUNSAD noong Sabado, November 29, sa Sequioa Hotel sa Quezon City ang 18 entries sa New Wave section ng Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayong Disyembre.

Nakausap namin ang journalist na si Arlyn dela Cruz, direktor ng Maratabat na isa sa mga entry. Siya rin ang producer ng Maratabat na ang ibig sabihin ay “pride and honor.” Ito ang first entry niya sa MMFF.

“Matagal ko nang gustong magdirek pero ngayon lang natuloy,” sabi ni Direk Arlyn. “Kaya last year, nangako na ako sa sarili ko na itutuloy ko na ang gusto ko dahil hindi ko mapatatawad ang sarili ko kung hindi matutupad ang maging isang filmmaker. Naniniwala kasi akong hindi nagkakalayo ang journalism at filmmaking dahil pareho itong naniniwala sa katotohanan. Ang isang pelikula should be realistic and mirror what life is.”

Agad niyang nilinaw ang misconcepcion na ang kanyang pelikula raw ay hindi tungkol sa Maguindanao Massacre dahil fiction ito tungkol sa isang abusadong warlord (Julio Diaz), na nabuo niya sa pamamagitan ng experiences niya as a journalist for 25 years.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“Bago pa ang Maguindanao Massacre, marami nang violent incidents na nangyayari doon na hindi nari-report at hindi nabibigyan ng media attention. Gaganap bilang si Ronwaldo Maharlika si Ping Medina na ang politician father ay napatay kaya siya at ang kanyang ina (Elizabeth Oropesa) ay lumayo na sa pulitika. Pero dahil sa pang-aabuso ni Gov. Abubakar, hindi siya nakatanggi nang hilingin ng mga tao na kumandidato siya. Sa Sultan Kudarat at Maguindanao kami nag-shooting at nagpapasalamat kami sa suporta ng mga naging kaibigan ko roon.”

Hindi niya iiwanan ang journalist kahit nagdidirek na siya ng pelikula. Nagkataon lang na marami siyang istoryang naipon na gustong i-share pero dream din niyang makagawa ng commercial films, tulad ng romantic-comedy films.

Makakatunggali ng Maratabat sa full feature category sa New Wave section ang Gemini ng Black Swan Pictures directed by Ato Bautista; M (Mother’s Maiden Name), Eight films directed by Zig Dulay; Magkakabaung (The Coffin Maker), Ato Entertainment Productions directed by Jason Paul Lacsamana; Mulat ng DVeut Productions, directed by Ma. Diana Ventura.

Sa Student Short Films entries: Kalaw ng Asia Pacific Film Institute; Kubli ng Far Eastern University; Siyanawa ng Southern Luzon State University (Main Campus); Bimyana ng De La Salle College of St. Benilde; Ang Soltera ng De La Salle Lipa at Bundok Chubibo ng University of the Philippines.

Sa Animation category: An Maogmang Lugar – Ateneo de Naga University; Cherry – Yapt Studio; Gymsnatch – School of Design and Arts, College of St. Benilde; Isip-Bata – Alibata Productions; Shifter – Jerico Valentino C. Fuentes.

Lahat ng mga entry sa New Wave section ngayong taon ay mapapanood sa Glorietta 4 at SM Megamall cinemas simula December 17 to 24.