John Lloyd

AYON sa ABS-CBN insider na nakausap namin, maayos na at wala nang magiging sagabal sa pagre-renew ng kontrata ni John Lloyd Cruz sa kanilang network.

Simula nang maiulat na magtatapos na ang kontrata ni John Lloyd sa Dos ay may ilang linggo nang pinagpipistahan ang isyu na lilisanin na niya ang kanyang home network at susubukan namang magtrabaho sa ibang istasyon.

Pero ayon sa aming informant, nagkausap na ang magkabilang kampo at inihahanda na ng ABS-CBN ang bagong kontrata ng aktor.

National

Patutsada ni Hontiveros: Guo, nakakapag-Facebook pero 'di makaharap sa Senado

Sa bagong information na ibinigay ng aming source, nangangahulugan na mananatili pa ring Kapamilya ang sikat na aktor.

Ayon pa sa source, anumang araw ngayong linggo ay isasagawa ang muling pirma ng kontrata ni Lloydie sa Dos.

“Alam naman naming merong mga kumakausap kay John Lloyd Cruz para lumipat ng istasyon pero hindi nila siya nakumbinsi. Alam kasi niya na higit na mas marami pang magagawa ang Dos sa career niya,” sey pa ng aming informant.