NANG pasinayaan ng SM ang kanilang solar panel generating facility na may kapasidad na 1.5 megawatts (MW) o 1,500 kilowatts sa isa sa mga gusali nito sa SM North sa Quezon City noong Nobyembre 24, napag-isip-isip ng marami na nangangamba sa mangyayaring power shortage sa summer ng 2015: Paano kung magtayo rin ang mas maraming kumpanya sa bansa ng kahalintulad na pasilidad upang matugunan ang sarili nilang pangangailangan sa enerhiya?

Inaasahan ang kakapusan ng may 300 MW sa Luzon pagsapit ng summer, ayon sa Department of Energy, kung saan humiling ang administrasyon sa Kongreso ng emergency powers upang makapag-areglo ito ng karagdagang pribadong power plant generation facilities.

Mula nang ihayag noong nakaraang buwan ang mangyayaring shortage, may mga katanggap-tanggap na ulat hinggil sa bubuksang bagong 13-MW solar power plant sa San Carlos City sa Negros Occidental, at ang pagsisimula ng operasyon ng tatlong wind farm sa Ilocos Norte, na may pinagsamang kapasidad na 260 MW.

Ang pasilidad ng SM, na binubuo ng mga solar panel na itinayo sa bubong ng isa sa mga gusali nito ay hindi isang power plant na mag-aambag sa kabuuang enerhiya sa Luzon grid kundi makatutulong itong matugunan ang sarili nitong pangangailangan na makababawas sa demand nito sa naturang grid. Kung, sa pagitan ng ngayon at summer ng 2015, tutulad sa halimbawa ng SM ang iba pang mga kumpanya na may available na espasyo sa bubong at kahandaang mamuhunan, ang kabuuang karagdagang enerhiya mula sa renewable resources na ito ay magiging sapat upang tugunan ang tinatayang 300 MW shortage sa summer. Maaaring hindi na kakailanganin ang emergency power na hinahangad ng Pangulo.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ang babala ng Department of Energy ang nag-udyok sa maraming sektor na ikonsidera ang mga plano na gamitin ang mayamang renewable power resources ng bansa. Isang low-cost housing developer sa Batangas, sa pakikipagtulungan ng isang Belgian firm na nagkakaloob ng teknolohiya, ang magtatayo ng murang pabahay na ang mga unit ay mayroon nang solar panel ang mga bubong.

Maraming gusali at tahanan sa bansa ang maaaring may kahalintulad na kasangkapan. Para sa kanilang interes bilang mga power user at upang makatulong sa mga pagsisikap na matugunan ang lumalagong demand ng bansa sa enerhiya, maaaring pag-aralan ng mga kumpanya at iba pang grupo ang halimbawa ng SM at i-apply iyon sa sarili nilang pangangailangan.