Isabelle Daza

SUMALANG sa interview sa The Buzz nitong nakaraang Linggo ang bagong Kapamilya star na si Isabelle Daza na katakut-takot na batikos at panglalait ang natatanggap nang umalis sa GMA-7.

Pero diretsahang sinabi ni Isabelle na wala siyang panahong maibibigay sa bashers niya. Sa halip na pagtuunan ng pansin ang mga naninira, mas makakabuti aniya para sa kanya na kung pagbubuhusan na lang niya ng panahon ang mga trabahong ibinibigay ng network sa kanya.

Ipinaliwanag pa rin ni Isabelle na hindi raw naman mawawala ang mga haters. Kumbaga, kahit anong sasabihin daw naman niya ay nakakatiyak siyang merong sasalungat at kokontra, huh!

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

“Andyan naman parati sila,eh. Kumbaga, kahit anong i-post mo, may kokontra. I think you just have to deal with it,” banggit pa rin ng kapamilya na ngang si Isabelle Daza.

Banggit pa rin ni Isabelle na sa halos apat na taon niya sa programang “Eat Bulaga” ng Tape Productions ay wala raw naman siyang kontrata maging sa management ng siyete. Pero ipinagmamalaki ni Isabelle na nagtatrabaho raw naman siya nang maayos.

“I didn’t have a contract but I was working there regularly for four years. “I was being offered with ABS-CBN and I was asking them what they think. Syempre, komportable na ako sa other network, sa ‘Eat Bulaga.’ And every day may trabaho ako. Syempre, they were like family to me.” Sey pa rin ni Isabelle.

Dagdag pa rin ng TV host at aktres na nahirapan din daw naman siyang magdesisyon kung tatanggapin niya ang offer ng dos dahil hindi raw naman ganun kadaling umalis sa “EB” na kung saan napamahal na sa kanya nang husto ang mga kasamahan ng nasabing pangtanghaling programa ng siyete.

“Syempre in ABS-CBN ang daming magaganda na actresses, singers, dancers so I want to challenge myself also,” sey pa rin ni Isabelle.

Samantala, si Gerald Anderson ang unang kapamilyang aktor na makakasama ni Isabelle sa unang project niya sa dos ang “Nathaniel” na eere sa susunod na taon.