Ipinagdiriwang ng Japanese government ang dalawang royal event ngayong buwan: sa araw na ito, Disyembre 3, pararangalan ng Embahada ng Japan sa Pilipinas ang Kanyang Kamahalan, Emperor Akihito, sa ika-25 taon ng kanyang pagkakaluklok sa Chrysanthemum Throne noong 1989, sa grand toast at recognition, kasama ang mga miyembro ng diplomatic corps, mga opisyal ng gobyerno, ang akademya, mga business leader, at foreign media. Si Emperor Akihito, na umusbong mula sa pinakamatandang hereditary monarchy, ay ang ika-125 Emperor ng Japan. Minana niya ang trono mula sa kanyang ama na si Emperor Hirohito. Ang kanyang paghahari ay itinuturing “Heisei” na nangangahulugan ng “pagtamo ng kapayapaan”.

Sa Disyembre 23, ang Emperor’s Day, ay ipagdiriwang na may public ceremony sa Imperial Palace sa Tokyo upang parangalan ang ika-81 kaarawan ni Emperor Akihito. Sa araw na ito, maaaring batiin ng mga mamamayan ng Japan at mga turista ang Emperor na kasama si Empress Michiko atvang Royal family, sa balkonahe ng palasyo sa harap ng madlang nagwawagayway ng mga bandila. Kilala ang Emperor sa kanyang pagkakakawanggawa. Nagsikap siya upang ilapit ang Imperial family sa taumbayan. Kasama ang Empress, bumisita siya sa 18 bansa at 47 Japanese prefecture. Kasunod ng pagkawasak dulot ng earthquake-tsunami noong 2011, televised ang kanyang talumpati upang mabuhayan ng loob ang kanyang mga kababayan at binisita niya ang mga survivor.

Ang kaarawan ng Emperor ay isa sa dadalawang araw ng taon na bukas ang mga pintuan ng Imperial Palace sa publiko; ang isa pa ay ang Enero 2 kung kailan ihahatid ng Emperor ang kanyang pagbati ng Bagong Taon sa pagdaraos ng Ippan Sanga. Sa dalawang okasyong iyon, may pagkakataon ang mga mamamayang Japanese at mga panauhin na silipin ang loob ng Palasyo at pakinggan ang talumpati ng Emperor mula sa balkonahe. Maigsing seremonya lamang ito, ngunit ang pumunta sa Imperial Palace sa Tenno tanjobi ay isang malaking event para sa lahat sa Japan. Nirerespeto ng mga mamamayang Japanese Chrysanthemum Throne; ang Emperor ang public symbol ng pagkakaisa at tradisyon ng mga Japanese. Tumatanggap siya ng foreign dignitaries, naggagawad ng parangal sa mga Japanese citizen, nagpapatawag siya ng Diet at nagtatalaga ng prime minister na pinili ng Diet.

Pagkatapos ng kanyang talumpati sa balkonahe, kapupulungin niya si Prime Minister Shinzo Abe, pati na rin ang chairman ng House of Councilors at ang Chief Justice ng Supreme Court. Makakasama niya ang Imperial family sa isang piging pati na ang mga pinuno ng tatlong sangay ng gobyerno at ang mga miyembro ng Gabinete. Magkakaroon ng hiwalay na tea ceremonies kasama ang diplomatic corps, staff ng imperial Household Agency, at mga panauhin. Sa gabi, magsasalu-salo ang Royal family na kinabibilangan ni Empress Michiko at kanilang mga anak na sina Crown Prince Naruhito, Prince Akishino, at Princess Nori.
National

5.9-magnitude na lindol, yumanig sa Southern Leyte; Aftershocks at pinsala, asahan!