Nangako ang mga kongresista na susuportahan at pagtitibayin nila sa pangatlo at pinal na pagbasa ang panukalang Philippine HIV and AIDS Policy Act upang mapigilan ang dumaraming kaso ng Human Immunodeficiency Virus (HIV) at Acquired Immune Deficiency Syndrome (AIDS) infection sa bansa.
Tinatayang aabot sa 30,650 Pinoy ang tatamaan ng ganitong sakit sa pagtatapos ng taon.
Hiniling ni Rep. Eufranio C. Eriguel (2nd District, La Union), chairman ng House Committee on Health, sa mga kapwa mambabatas na suportahan ang pagaapruba sa panukala na naipasa na sa ikalawang pagbasa sa plenaryo.
Layunin nitong ipawalang-saysay ang Republic Act 8504 ( Philippine Aids Prevention and Control Act of 1988) upang muling babalangkasin ang legal framework sa HIV at AIDS sa pagsasaayos o pagtutugma nito sa “evidence-informed strategies and approaches on the prevention, treatment, care and support for HIV/AIDS victims.”