Gabby Lopez

GINAWARAN ang chairman ng ABS-CBN na si Eugenio “Gabby” Lopez III ng pinakaunang Tanglaw ng Araw Award sa 9th Araw Values Awards kamakailan dahil sa pagiging magandang ehemplo at tagapagtaguyod ng Filipino values o kagandahang asal.

Nanalo rin ng lima pang awards ang Kapamilya Network.

Mahigit isang dekada nang tahanan ng Araw Values Adveristing Awards ang ABS-CBN.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

“Ang ABS-CBN talaga ang nararapat na parangalan. Nang magsimula ang Araw Values Awards noong 2000, lubos na ang aming suporta dito dahil naniniwala rin ang Kapamilya Network sa vision-mision nito na ipalaganap ang kahalagahan ng Filipino values,” wika ni Mr. Gabby Lopez sa kanyang acceptance speech sa awarding ceremony na ginanap sa Dolphy Theater.

Bukod sa pagkilala sa kanya, ipinagkaloob din ng nasabing award-giving body ang limang iba pang awards sa ABS-CBN — dalawang Bronze at tatlong Silver awards, na ang apat ay mula sa Advocacy Communications at ang isa naman ay mula sa Branded Communications.

Nagtamo ng Silver at Bronze ang TV Commercial ng ABS-CBN News na “Tumayo Para sa Bayan” sa ilalim ng mga kategoryang Respect for Laws and Authority and Promotion of Self Discipline at Love of Country and Respect for National Customs. Ipinagkaloob naman ang Silver sa “Agosto 21 Documentary: Salamin,” at nakapag-uwi ng Bronze ang kampanyang “Buong Puwersa, Buong Bayan” sa kategoryang Commitment to Truth, Honesty and Integrity.

Nagwagi ng Silver award ang “Tulong Na, Tabang Na, Tayo Na” campaign ng ABS-CBN, na inilunsad nang manalasa ang Bagyong Yolanda, sa kategoryang Love of Country and Respect for National Customs and Tradition.

Samantala, ibinahagi ng presidente at CEO ng ABS-CBN na si Charo-Santos Concio sa kanyang panimulang mensahe na ipinagmamalaki niya ang pagiging bahagi ng isang industriya na bagamat magkakalaban ay nagkakaisa pagdating sa mga makabuluhang gawain.

“Ang dami pang dapat gawin. Ang dami pang mga batang kailangang pakainin, mga ilog na dapat linisin, mga lugar na kailangan ayusin, mga taong may sakit na kailangan pagalingin, mga pamilyang kailangang pagtibayin at kurapsyon na kailangan puksain. Nawa’y lagi tayong patnubayan ng Diyos sa paggamit ng creativity at ng power ng media na pinagkaloob niya sa atin,” pahayag ni Santos-Concio.

Pinasigla ang awarding ceremony ng magagandang production numbers nina Tres Marias, Jovit Baldivino, Itchyworms, Radioactive Sago Project, Jett Pangan, Raymund Marasigan, Maxene Magalona, Boboy Garovillo, Chacha Cañete, Darlene ng The Voice Kids, Erik Santos, Maris Racal ng Pinoy Big Brother All-In, Nicole Asencio, Quest, Bassilyo with Crazymix, at KZ Tandingan. Host ng nasabing awards night sina Xian Lim at Iza Calzado.

Ang Araw Values Advertising Awards ay naiiba kumpara sa ibang recognition-giving bodies dahil sa pagpapahalaga nito sa values na hatid ng ad campaigns, lalo na ang pitong Araw Cornerstone Values. Ipapalabas ang awarding ceremony sa Sunday’s Best, December 7, sa ABS-CBN.