Taong 1971 nang huling biguin ng Pilipinas ang kasalukuyang nangunguna sa Southeast Asia na Thailand.

Ito ang motibasyon at inspirasyon na nais itutok ni German/American Azkals coach Thomas Dooley sa isipan ng mga miyembro ng Azkals na nakatakdamg sagupain ang powerhouse na Thailand sa darating na Sabado sa semifinals ng ginaganap na 2014 AFF Suzuki Cup sa Rizal Memorial Stadium.

“It is one of the biggest game for the Azkals,” sinabi ni Dooley sa lingguhang PSA forum sa Shakey’s Malate.

“It was 1971 when the Philippines last beaten Thailand. It is about time to write history and ended the century of the long domination right in the Philippine soil,” giit ni Dooley.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“I know it is difficult for us to reach the finals knowing how good Thailand but the team is playing good and hope to sustain the game in the group plays,” dagdag pa nito.

Matatandaan na nabigo ang Azkals na manguna sa Group A matapos lasapin ang 1-3 pagkatalo sa host Vietnam sa pagtatapos ng Group elimination. Dahil dito ay makakatapat ng Azkals ang Thailand na nanguna sa Group B. Ang Vietnam ang makakasukatan ng Malaysia sa isa pang semis match-up.

Aminado si Dooley na mabigat na kalaban ang Thais na kaparehas ng Vietnam sa paglalaro. Natalo rin ang Azkals sa Thailand sa isang international friendly match sa 3-0 iskor ilang araw bago nagsi mula ang Suzuki Cup.

“We are totally the underdog. They are a very strong team,” paliwanag ni Dooley.

“The next game is a must-win and I believe my players can do it. I’m sure they will play better after a week’s rest,” sambit pa ni Dooley.

Isasagawa sa Rizal Memorial Football field ang home game ng Azkals bago lumipat sa Thailand sa Disyembre 10.

Ang Thailand ay three-time champion sa torneo kung saan ay huli itong nagkampeon noong 2002.

Ikatlong pagkakataon naman ng Pilipinas na makatuntong sa semifinals at umaasa itong makakatuntong sa labanan para sa korona sa unang pagkakataon.