Maaaring sa umpisa, hindi mo mauunawaan ang mga kritisismo, lalo na kung may kahalo pa itong maaanghang na salita, gayong ginampanan mo naman nang mahusay ang iyong mga tungkulin. At malamang din na sumama ang iyong loob na parang wala nang ibang nagkakamali kundi ikaw. Ngunit kung makakaya mong tiisin ang mga kritisimo at sikaping makita ang mga posibilidad na mapabuti ang iyong gawa mula sa mga salitang kanilang binitiwan, hindi mo iindahin ang hapdi ng iyong pagkakamali. Magiging isang puwersa ang kanilang batikos upang mapahusay mo ang iyong paggawa.

Narito pa ang ilang tips kung paano magkakaroon ng makapal na mukha – ang abilidad na tiisin ang mga kritisismo:

  • Ihiwalay ang katotohanan sa interpretasyon. – Kapag binatikos ka, maaaring matukso kang ituring iyon na pagbatikos sa iyong pagkatao. Kapag nag-apply ako halimbawa sa isang kumpanya at na-reject ang aking application, madaling isiping “Hindi ako qualified. Wala akong kuwenta.” Mahalaga na alamin ang facts. Kung na-reject ang aking application for employment, hindi nangangahulugan na may sinasabi iyon tungkol sa akin o sa aking mga abilidad. Malamang na may partikular na hinahanap ang naturang kumpanya at wala sa akin iyon.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

Sa totoo lang, walang nagsasabi na hindi ka qualified o kulang ang iyong abilidad. Wala ring makapagsasabi kung ano ang mahusay at palpak. May partikular na employer para sa partikular na employee. Kapag inihiwalaynatin ang katotohanan sa interpretasyon, may maiaalok na mahalagang impormasyon ang negatibong kritisismo. Kung na-reject ka sa pag-a-apply mo sa trabaho, isang hudyat iyon na kailangan mong patalasin ang iyong galing o manghanap ng ibang employer.

Kapag inihiwalay mo ang katotohanan sa interpretasyon, matutulungan mo ang iyong sarili na maging manhid sa hapdi na dulot ng pagtanggi sa iyo at magagamit mo rin ang kritisismo upang pahusayin ang iyong karunungan.