Aiza & Liza

HIYANG-HIYA si Sylvia Sanchez sa isyung sinagot daw niya ang pamasahe ng entourage sa kasal nina Aiza Seguerra at Liza Diño na gaganapin sa Amerika sa December 8.

Sa finale episode ng Be Careful With My Heart na may 15-minute live streaming ay natanong daw si Ibyang ng taga-The Buzz tungkol dito na ikinagulat niya.

“Nagulat ako kasi wala namang ganu’n. Itinanggi ko, pero siyempre di ba, may isyung ganu’n? Hiyang-hiya ako kay Aiza kasi hindi totoo at nakita ko kung paano magtrabaho si Aiza para sa panggastos sa kasal nila ni Liza. Talagang kayod-marino si Aiza kaya unfair naman sa sinasabing sinagot ko ang gastos hindi totoo ‘yun,” bungad paliwanag ni Ibyang nang tumawag sa amin noong Linggo ng gabi pagkatapos niyang mapanood ang The Buzz.

IPOPHL's, nag-react sa mathematical discovery ng guro sa Quezon

Dadalo sa kasal nina Aiza at Liza ang mag-asawang Art Atayde at Sylvia.

“Kasi ninong si Art sa kasal nila sa Amerika, ‘tapos ‘yung kasal na gaganapin dito sa Pilipinas, ako naman ang ninang. Dalawang beses ikakasal sina Aiza at Liza, eh. Kaya, Reggs, pakilinaw na lang, kasi nakakahiya talaga kay Aiza, hindi totoo,” diin ni Ibyang.

Timing na rin ang pagpunta ng mag-asawa sa Amerika kasama ang mga anak na sina Ria at Arjo Atayde para makapagpahinga dahil may bagong project daw ulit si Ibyang sa Pebrero 2015.

“Ayaw pa sabihin ng manager ko (Tita Angge) kung ano, sabi lang niya, meron,” say sa amin.