Iginiit ng pamunuan ng Manila International Airport Auhority (MIAA) na namatay sa hemorrhagic pancreatitis o bangungot ang Airport Police trainee na si Leo B. Lázaro, batay sa ulat ng medico legal at death certificate nito.

Ito ang nilinaw ng MIAA kasunod ng mga ulat sa media na si Lazaro ay misteryosong namatay sa isang resort sa Nueva Ecija. Si Lázaro kasama ang iba pang trainee sa Batch 14, ang ikatlo at huling batch ng mga Airport Police Department (APD) trainees sa taong ito, ay dumalo sa isang team building activity kasama ng kanilang mga instructor.

Ayon kay MIAA General Manager Jose Angel Honrado, naroon ang pamilya ni Lázaro nang isagawa ang awtopsiya sa San Pedro Chapel upang mawala ang mga haka-haka na nagkaroon ng ‘foul play’. Gayunpaman, iniutos ni Honrado ang isang hiwalay na pagsisiyasat sa pagkamatay ni Lázaro at bukas sa anumang pamamaraan sa muling awtopsya na maaaring gustong gawin ng pamilya.

Binigyan diin ni Honorado na ang MIAA ay hindi sumasali sa anumang mga mapang-abusong estilo ng pagsasanay o pagpapahirap na humahantong sa pananakit o mas masahol pa, na magiging sanhi ng kamatayan ng isang trainee. - Mina Navarro
Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente