John Wall, Dwyane Wade, Shawne Williams

WASHINGTON (AP)– Naisalansan ng Washington Wizards ang kanilang unang pitong 3-pointers habang nalimitahan naman nila ang Miami sa 2-for-22 mula sa arko kung saan ay tumapos si John Wall na mayroong 18 puntos at 13 assists upang pangunahan ang Wizards kontra sa Heat, 107-86, kahapon.

Umiskor si Rasual Butler ng 23 at nagdagdag si Marcin Gortat ng 15 puntos at 10 rebounds para sa Wizards na hindi naghabol at lumamang sa 21 sa first half at 25 sa ikalawang yugto.

Pinangunahan ni Chris Bosh ang Miami sa kanyang 21 puntos, at gumawa si Dwyane Wade ng 20 sa kanyang ikalawang laro mula nang magbalik mula sa injured right hamstring. Bago nito, nagbalik si Wade makaraang lumiban sa pitong laro at umiskor ng 27 puntos sa kanilang panalo sa New York.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Naglaro siya ng 32 minuto sa nasabing laro at 27 minuto kontra sa Wizards.

Pumasok ang Heat sa laro na nangunguna sa NBA sa 3-point shooting o 48.6 porsiyento, ngunit sila ay gumawa lamang ng 9.1 porsiyento sa pagkakataong ito. Binuksan nila ang laban sa 0-for-8 mula sa 3-point range. Tinapos ni Bosh ang tagtuyot ng maipasok nito ang isang tres, may 6 minutong nalalabi sa unang half.

Ang isa pang 3-pointer ng Miami ay nagmula kay Norris Cole sa huling 10.9 segundo ng unang half.

Si Shabazz Napier ay 0-for-5 sa tres, 0-for-4 si Mario Chalmers, kapwa 0-for-2 sina Luol Deng at Shawne Williams, 1-for-3 naman sina Bosh at Cole, at tatlong manlalaro ang sumablay sa kanilang nag-iisang attempt.

Kabaliktaran naman ito sa Wizards na hindi sumala sa kanilang 3-pointers patungo sa pagkuha ng 64-49 abante sa halftime. Minarkahan nito ang season-best para sa first half ng Washington, na kinabibilangan ng buzzer-beating 20-foot jumper ni Wall.

Kasunod ng kanilang perpektong first half sa 3s, inumpisahan ng Wizards ang second half na 0-for-4 hanggang binasag ito ni Wall sa kanyang 3-pointer.

Nagtapos sila na 10-for-19 mula sa 3-point area.

Resulta ng ibang laro:

San Antonio 109, Philadelphia 103