Nakapili na ang Diocese of Tagbilaran ng limang earthquake survivor mula sa lalawigan ng Bohol na makakasama ni Pope Francis sa pananghalian sa kanyang pagbisita sa Pilipinas sa Enero 15-19, 2015.

Ayon kay Rev. Fr. Felix Warli Salise, Social Action Center Director ng Diocese of Tagbilaran, siya at ang mga pari na labis na naapektuhan ng magnitude 7.2 na lindol, ang personal na pumili sa mga makakasalo ng Papa.

Tiniyak na masusi at makatotohanan ang kanilang ginawang pagpili sa mga ito, kung saan naging batayan ang karanasan at epekto ng kalamidad sa kanilang buhay.

Ipinaliwanag ni Fr. Salise na hindi muna nila ibibigay ang pangalan ng mga napiling survivor dahil na rin sa usapin ng seguridad ngunit inamin niya na ang ilan sa mga napili ay nawalan ng bahagi ng kanilang katawan, mga muntik nang namatay at nag-iisang natira sa kanyang pamilya.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Mula rin aniya ang mga ito sa iba’t ibang parokya na labis na nasira ng lindol na tulad ng Our Lady of Light Parish sa Loon, San Augustine Parish sa Sagbayan, Our Lady of the Holy Rosary Parish sa Antiquera, Holy Cross Parish sa Maribojoc at Parokya ng San Vicente Ferrer sa Bayan ng Tubigon.

Inaasahan na mahigit sa 20 survivor ng bagyog ‘Yolanda’ at lindol sa Visayas Region ang makakasama ni Pope Francis sa kanyang pananghalian sa Archbishop Residence sa Palo, Leyte sa Enero 17, 2015.