CONCEPCION, Tarlac - Dahil sa pagbibiruan sa paghawak ng shotgun ay dalawang menor de edad na lalaki ang aksidenteng nabaril ng security guard sa isang malaking farm sa Barangay San Nicolas Balas sa Concepcion, Tarlac, noong Lunes ng gabi.

Ayon sa pulisya, isang 15-anyos na lalaki at isang 17-anyos na lalaki na kapwa taga-Binmaley, Pangasinan, ang nabaril at kaagad isinugod sa Sta. Rita Hospital para malapatan ng lunas.

Samantala, ang nakabaril sa dalawang binatilyo ay si Kevin Rufo, 19, ng JRSR Security Agency, at residente ng Bry. Malibong, Urbiztondo, Pangasinan.

Nabatid na nagkatuwaang magkuhanan ng litrato ang tatlo habang hawak ang shotgun nang aksidenteng makalabit ni Rufo ang gatilyo at matamaan ang dalawa sa hita.
National

Antonio Trillanes, planong tumakbo bilang mayor ng Caloocan -- Aksyon Demokratiko