Isasagawa ng Philippine Sports Commission (PSC), sa ilalim ng Women In Sports at Sport For All program, ang unang Philippine Women’s Football Festival sa darating na Disyembre 13 at 14.

Sinabi ni PSC Games Secretariat Atty. Maria Fe “Jay” Alano na iniimbitahan nila ang lahat ng mga koponan na sumali sa gaganaping Football Festival na para sa mga kababaihang nasa kategorya na Under 14 at 16.

“This is a first for football community. We hope to follow this up next year for the development of our young women football players and the sports,” pahayag ni Alano.

Ang Football Festival na isasagawa sa Rizal Memorial Coliseum, kung saan ay doon din hahataw ang laban ng Azkals kontra sa Thailand sa darating na Sabado, ay nasa kooperasyon na rin sa Philippine Football Federation (PFF).

National

Antonio Trillanes, planong tumakbo bilang mayor ng Caloocan -- Aksyon Demokratiko

Ito ang unang torneo na inihanda ng ahensiya para sa mga kabataang babaeng atleta na mahilig sa football sa asam na maingat ang kalidad at mapalawak ang popularidad ng sports.