Pinaniniwalaang namatay ang 50 katao, kabilang na ang 13 Pinoy, sa paglubog ng isang barko sa Bering Sea, South Korea.

Sinabi ni United State Coast Guard Petty Officer 1st class Shawn Eggert, isang fishing vessel na 501 Oryong na may habang 326 feet ang lumubog sa karagatan ng Bering Sea.

Matataas at naglalakihang alon ang nakikitang dahilan sa paglubog ng naturang barko.

Masuwerte namang nailigtas sa pamamagitan ng limang Russian fishing vessel ang pitong crew member habang ang isa ay patay na nang matagpuan.

Sen. Bato, iginiit na hindi convicted criminal si Lopez para ilipat sa Women's Correctional

Sa ngayon ay nawawala pa rin ang 35 Indonesian, 13 Pilipino, 11 South Korean at isang Russian inspector.

Ayon sa Russian authorities na 62 ang lahat ng lulan ng nasabing barko na lumubog sa kanlurang bahagi ng Bering Sea malapit sa Russia.

Nasa ligtas nang kalagayan ang pitong crew na kasalukuyang ginagamot sa Russia.

Ang pinagyarihan ng paglubog ng barko ay malapit lamang sa lugar kung saan ay ginaganap ang shooting ng isang reality show na “deadliest catch” na mapapanood sa isang science channel.

Ang nasabing show, na nasa 10th season na, ang nag-ulat na may ilang barko na rin ang lumubog at ilang crew member na ang namatay dahil sa lakas ng hampas ng alon at ang nagyeyelong tubig.