FOLLOW-UP ito sa emosyonal na episode mag-amang AJ at Jody Saliba sa Bohol challenge para mapabilang sa Final Four ng The Amazing Race Philippines.

Mula Bohol ay tumungo ang racers sa Iloilo, nakatalon sa second place sina AJ at Jody mula sa huling puwesto. Pero hindi payag ang natitirang racers sa ‘second chance’ na naibigay sa mag-ama kaya ginamitan sila ng lahat ng teams ng kani-kanilang mga u-turn cards. Para kina Chefs Roch Hernandez at Eji Estillore, kailangan nang magpahinga ng 52-year-old na si AJ dahil matanda na ito at mukhang pagod na sa karera.

Ayon sa racers, isa ang leg na ito sa mga nagkaroon ng impact sa kanilang buhay. May challenge kasi sa Iloilo City Proper na kailangan nilang humingi ng tulong sa mga tao upang gabayan sila paikot sa siyudad habang nakapiring. Pagkatapos ng challenge, nagulat at nahabag ang racers nang makilala sina Tammi at Marvi, mga batang bulag na siyang naging “clue-giver” para sa naturang task. Naintindihan nila kung gaano sila kapalad at kung paano nila dapat pahalagahan ang mga pagpapalang ito.

Ang dating couple na sina Matthew Edwards at Phoebe Walker ang nauna sa Leg 8 pit stop at nag-uwi ng PHP 200,000 cash prize mula sa PLDT Home Ultera. Pumangalawa ang magkapatid na sina Jet at Yna Cruz, na sinundan nina Roch at Eji para sa ikalawa at ikatlong puwesto. Nakuha naman nina Mr. Pogi Kelvin Engles at John Paul Duray ang ikaapat na puwesto at huling safe spot sa karera, at naiwan ang teams Mag-ama at Nerds kaya tanggal na sila sa karera dahil sa double eliminations ng leg na ito.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Inaabangan ng viewers kung sino ang papasok sa Top 3 at siyempre kung sino ang tatanghaling kampeon.

Magkakaroon ng espesyal na one-hour eliminations episode sa Sabado (ika-6 ng Disyembre) bago mapanood ang espesyal na one-hour finale sa Linggo (ika-7 ng Disyembre) sa TV5.