Isang 50-anyos na tanod ang natagpuang nakalutang sa dagat at may tama ng bala sa kaliwang balikat sa Tondo, Maynila nitong Linggo.

Kinilala ang biktima na si Samuel Barnobal, volunteer tanod ng Barangay 105 at residente ng Sitio Damayan, Tondo, Maynila.

Batay sa report ni Det. Mario Asilo, hepe ng Homicide Section ng Manila Police District (MPD), dakong 3:00 ng hapon nang natagpuan ang bangkay ng biktima sa dagat na sakop ng Sitio Damayan, Barangay 105, Tondo. Huli siyang nakitang buhay dakong 10:00 ng gabi ng Nobyembre 29 habang naka-duty sa Aroma outpost ng kanilang barangay. Patuloy ang imbestigasyon sa kaso.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20