KALIBO, Aklan - Sumuko na sa awtoridad ang suspek sa pamamaril kamakailan na ikinamatay ng dalawang menor de edad sa isang peryahan sa Libacao, Aklan.

Kinilala ng awtoridad ang suspek na si Lito Jonathan Felix Jr., kagawad ng Barangay Hilwan, Tapaz, Capiz.

Ayon kay Libacao Vice Mayor Charito Navarosa, sumuko ang suspek pero nanindigang self defense ang insidente.

Sinabi naman ni Navarosa na imposibleng self defense ang insidente dahil negatibo sa powder burns sapagkat hindi nagpaputok ng baril ang target na patayin ng suspek, ang isa sa mga biktimang si JR Agudez.

DSWD, ipinag-utos ang agarang tulong sa mga pamilyang naapektuhan ni Carina

Nagpapagaling pa sa ospital si Agudez.