MANILA, Philippines (AP)– Ginawa ni Serena Williams ang kanyang much-awaited appearance sa franchise-based International Premier Tennis League noong Linggo, ngunit hindi niya nabuhat ang Singapore Slammers at natikman ng kanyang koponan ang ikatlong sunod na pagkatalo sa first leg.

‘’It wasn’t easy but I had a lot of fun,’’ pahayag ng top-ranked na si Williams makaraang maglaro laban sa home team na Manila Mavericks sa harap ng crowd na 12,000 sa Mall of Asia Arena. ‘’I love the team atmosphere. If you lose a match, everyone is still positive and that’s what I love about it.’’

Si Williams, na hindi naglaro sa unang dalawang araw, ay tinalo si Kirsten Flipkens, 6-3, ng Manila Mavericks sa women’s singles ngunit natalo sa mixed doubles kasama ang partner niyang si Lleyton Hewitt sa mas magandang ipinakita nina Murray at Flipkens para sa 6-1 na panalo.

Tinalo ng Manila Mavericks ang Singapore Slammers, 27-19, sa bagong fast-paced team format kung saan ang mga resulta ay dinedesisyunan sa aggregate games na napanalunan mula sa limang one-set matches, ang men’s at women’s singles, men’s double, mixed doubles, at legends singles, sa halip na match results.

Libreng toll fee sa NLEX,SCTEX at iba pang expressway, ipatutupad sa Pasko at Bagong Taon

Si Murray, na tumulong makuha ang unang panalo sa tatlong laban para sa Manila Mavericks, ay hindi makapaglalaro sa natitirang tatlong leg ng $1-million event na ilalaro sa Singapore, New Delhi at Dubai.

Naging mainit naman ang Indian Aces, na nanalo sa lahat ng tatlong laban sa kabila ng pagkawala nina Roger Federer at Pete Sampras sa leg na ito.

Sina Novak Djokovic, Jo-Wilfried Tsonga, Andre Agassi, Goran Ivanisevic, Maria Sharapova at Ana Ivanovic at iba pang prominenteng past at present players ang kasama sa iba’t ibang leg ng torneo.

Ang IPTL format ay kinabibilangan ng one-set matches na agad madedesisyunan ng four-minute shootout sa 5-5 sa halip na sa tradisyunal na tiebreaker.

Mayroon ding “power points” na nagbibigay sa mga manlalaro ng pagkakataong doblehin ang kanilang puntos sa bawat match bago tumanggap ng serve. Ang iba pang novelty ay ang pagkakaroon ng timeouts at ang pagtatanggal sa advantage points.