MEXICO CITY (AP) — Pumanaw na ang Mexican comedian na si Roberto Gomez Bolanos na kilala rin bilang “Chespirito” (chess-pee-REE-to) noong Biyernes sa edad na 85.
Matatandaang sinulat at ginampanan ni Chespirito ang karakter ni “El Chavo del Ocho” na nagtampok sa henerasyon ng milyun-milyong mga bata sa Latin America.
Siya ay mas nakilala sa kanyang karakter bilang “El Chavo del Ocho,” na nanirahan sa Latin America, at bilang bayani na kinilala bilang “El Chapulin Colorado,” o “The Crimson Grasshopper.” Nagkaroon din siya ng show sa umaga para sa preschoolers, ang “Captain Kangaroo” sa United States.
Hindi nagbigay ng impormasyon ang kanyang pinaglilingkurang Televisa network, ang pinakamalaking producer ng Spanish language programs, tungkol sa sanhi ng pagkamatay ng komedyante. Ang tanging sinabi lamang nito ay ang paghahatid sa huling hantungan mula sa kanyang bahay patungong Mexico sa Sabado para magdaos ng misa sa headquarters ng network.
Ang palayaw niyang “Chespirito” ay mula sa Spanish phonetic pronounciation ni Shakespeare—“Chespir”—at dinugtungan ng “ito”.
“Nicknames are the most essential in life, more valuable than names,” sabi ng aktor noong 2011.
Pinahayag ni Mexican President Enrique Pena Nieto sa Twitter noong Biyernes na “Mexico has lost an icon whose work has transcended generations and borders.”