Sabik na makauwi sa Pilipinas ang mga Pinoy sa Italy, Australia at sa ibang pang mga bansa para sa pagdalaw ni Pope Francis sa Enero.

Isa si Estrella Princena na naninirahan sa Melbourne, Australia sa maraming Pinoy, partikular ang mga debotong Katoliko, na gustong makauwi dahil na rin sa Pasko at kasabikan na masilayan ang Papa.

Tiniyak naman ni Jun Alvarez, tubong taga-La Union at naninirahan ngayon sa Alaska, USA, na magbabakasyon silang mag-anak sa Pilipinas upang masaksihan ang pagdalaw ni Pope Francis.

Inaasahan ng mga OFW sa iba’t ibang bansa na pahihintulutan sila ng kanilang employer na magbakasyon sa Pilipinas mula sa Pasko hanggang sa pagbisita ng papa sa Enero 15-19, 2015. Itinuturing nilang mapalad ang Pilipinas dahil lagi itong napipiling dalawin at pinagpapala ng papa.
Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente