Disyembre 2, 1899 nang pinangunahan ng 24-anyos na si “Boy General” Brigadier Gregorio del Pilar ang 60 rebolisyonaryo ng Pilipino sa “The Battle of Tirad Pass”, na bahagi ng Philippine-American War (1899-1902).

Nakipaglaban ang mga mandirigmang Pilipino sa 300 sundalong Amerikano na pinangunahan ni Peyton C. March ng 33rd Infantry Regiment ng Amerika, na inatasang dakipin si noon ay Pangulong Emilio Aguinaldo. Kasama ang kanyang tropa, idinepensa ni Del Pilar ang Tirad Pass upang mapigilan ang pag-atake ng mga Amerikano at mapatakas si Aguinaldo. Tumagal nang limang oras ang labanan, pero napatay ang mga Pilipinong mandirigma matapos na magtraydor ang isang sundalong Pinoy na nagbunyag sa mga kalaban ng tungkol sa sekretong daanan ng Tirad Pass.

Mahigit 4,200 Amerikano at may 20,000 mandirigmang Pilipino ang napatay sa digmaang Pilipinas-Amerika.

National

Ofel, mas humina pa habang nasa vicinity ng Gonzaga, Cagayan