Malaki ang posibilidad na ipatawag ng Senate Blue Ribbon committee sa susunod na pagdinig sina Janet Lim Napoles at Benhur Luy kaugnay naman sa naging partisipasyon nila sa P900- million Malampaya Fund scam.

Ayon kay committee chairman Senator Teofisto Guingona III, pag-aaralan nila kung ang dalawa na ang isasalang sa ginagawan imbestigasyon.

“Most likely, sila na ang susunod, pero hindi ko pa masagot kung kailan kasi nga may Christmas break, pero definitely ipatatawag natin sila,” ani Guingona.

Aniya, mahirap naman kasi naipatawag lahat pero hindi naman mabigyan ng pagkakataon na makapagsalita, kaya mas maganda kung pa-isa-isa lamang.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sinabi ni Guingona na tanging sina Commission on Audit (COA) chair Grace Pulido-Tan at Assistant Commissioner Susan Garcia ang dumalo lamang sa pagdinig.

“Tingnan mo ngayon very orderly ang hearing, hindi labu-labo, kasi nga nakatuon lamang sa isang partikular na ang personalidad,” dagdag ni Guingona.

Nauna nang sinabi ng oposisyon na kaya hindi pinatawag si Napoles ay dahil baka idamay ang mga nasa administrasyon.

Sinabi nama ni Tan na naipamahagi ang pondo sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan, kabilang na ang may 12 Local Government Unit (LGU) at non-government organization (NGO) .

Pero iginiit ni Tan na nasa proseso pa sila para alamin kung ano ang nangyari sa mga proyekto ng mga ito.

Sinabi pa ni Guingona na ang lahat ng mga nasasangkot sa Malampaya Fund scam ay kanilang ipatatawag subalit paisa-isa lamang din para hindi masayang ang kanilang oras.