Nanawagan kahapon ang pamunuan ng Filipino-Chinese Chamber of Commerce Inc., sa Department of Trade and Industry (DTI) na tingnan naman ang kapakanan ng maliliit na retailers sa pamamagitan ng pagtatakda ng Suggested Retail Price (SRP), para maayos ang tamang presyo ng mga bilihin sa merkado.

Ayon kay Carlos Cabochan, Chairman ng PCCC1-Caloocan Chapter, agrabyado ang maliliit na supermarket at groceries sa pagtatakda ng SRP ng DTI dahil sa kakulangan ng pagsangguni ng mga opisyal ng pamahalaan.

Sinabi ni Cabochan, pangulo rin ng Philippine Consumers Centric Traders Association (PCCTA), mas malaki ang gastusin ng mga mas maliliit na supermarket

at groceries dahil sa mas mahal ang hango ng mga ibinibentang produkto buhat sa mga manufacturer.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Kumpara sa mga mas malalaking supermarket, mas bultuhan ang paghango ng produkto ng mga ito sa mga manufacturers sa mas mababang halaga kaya nakakaya ng mga ito na magdikta ng SRP sa lokal na merkado.

Binigyan diin pa ni Cabochan, mapapansin na mas maliliit na mga supermarkets, groceries at puwesto sa palengke ang palagiang ni-re-raid ng DTI dahil sa hirap na makasunod sa itinatakdang SRP ng ahensya na kinakailangan lamang na may 5% tubo buhat sa presyo ng mga manufacturers.

“Sana po ay muling buhayin ng DTI ang Price Stabilization Council na pinairal noon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, para magkaroon ng maayos na koordinasyon ng mga kinatawan ng pamahalaan at pati na ang mga manufacturers,” pagtatapos ni Cabochan.