Nagiging paboritong destinasyon ang Pilipinas ng mga Israeli, iniulat noong Sabado. Apat na Israeli news at travel company ang nagtampok sa Pilipinas sa kani-kanilang mga website, inilutang ang mga tourist attraction, partikular na ang Palawan at Boracay. Ayon sa Department of Tourism, pumalo na sa kabuuang 7,675 ang mga panauhing Israeli noong 2013, na dumami ng 30% mula sa 5,895 panauhin noong 2012.

Higit pa sa mga atraksiyon ng Pilipinas bilang isang tourist destination, may kasaysayang nagbibigkis sa mga Pilipino at mga Israeli sa isang mahigpit na relasyon. Sa pagitan ng 1937 at 1941, nang sinimulang tipunin ni Hitler ang mga Jew sa Europe at pinadala sa kanyang mga death camp, nanindigan si Pangulong Quezon upang matulungan ang mga Jew at nag-alok ng santuwaryo sa ating bansa. Mahigit 1,300 European Jew ang nakarating sa Pilipinas.

Pagkata;os gn World War II noong 1947, nanawagan ang United Nations General Assembly Resolution 181 para sa paglikha ng State of Israel. Sa botohan noong Nobyembre 1947, 33 bansa ang pumabor sa resolusyon. Ang Pilipinas ang nag-iisang bansa sa Asia na sumuporta sa paglikha ng State of Israel.

Ngayon, ang mga Pilipino at si Quezon ay pinararangalan sa isang “Open Doors” monument sa Rishon Lezion Memorial Park na malapit sa Tel Aviv na itinayo noong 2009, sa ika-60 anibersaryo ng State of Israel. Ito ay monumento sa makasaysayan at espirituwal na ugnayan ng dalawang bansa na magkasalo sa pagkatalaga sa kalayaan at pananampalataya sa Diyos.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Kamakailan, ang mga nesgosyante Israeli sa sektor ng patubig at agri-technology ay nakipagpulong sa mga negosyanteng Pilipino sa iang kilusan upang simulan ang isang bagong ugnayan sa sektor ng agrikultura, bilang preparasyon para sa pagbisita ng agriculture minister ng Israel sa Enero. Gayong higit pa sa kalahati ng kanilang lupain ang disyerto at nagdurusa sa kakapusan ng supply ng tubig at pagkakaroon ng klimang hindi angkop sa agrikultura, naging world leader ng Israel sa agricultural research and development, na may lumalagong kantidad at kalidad na mga pananim. Tunay nga tayong matututuhan sa Israel sa larangang ito, na maaaring sumaklaw ng mas malaking tungkulin sa ekonomiya ng ating bansa.

Ang hakbang na repasuhin at kumilos sa isang lumang kasunduan sa agrikultura ay nagbabalita ng bagong panahon ng ugnayang Pilipino at Israeli na katanggap-tanggap. Sa harap ng teknolohiyang Israeli at ating mayamang lupain at kaaya-ayang panahon sa pagtatanim, maaaring maabot ng agrikulturang Pilipino ang ibayong antas ng kaunlaran at produktibidad.

Samantala, maligayang pagdating sa lumalagong bilang ng mga turistang Israeli. Tulad ng iba pang panauhin mula sa iba’t ibang bahagi ng daigdig, matutuklasan nilang maraming makikita at madidiskubre sa bansang ito na mayaman sa kasaysayan at kultura, ang natural na kariktan ng pagkarami-raming isla, at ang magiliw at palangiting mamamayan.