Magpapatupad ng oil price rollback ang kumpanyang Pilipinas Shell epektibo ngayong Martes ng madaling araw.

Sa pahayag kahapon ng Shell, dakong 12:01 ng umaga ngayong Disyembre 2 magtatapyas ng P0.75 ang kumpanya sa kada litro ng kerosene at P0.50 naman sa diesel, habang walang paggalaw sa presyo ng gasolina.

Asahan na ng motorista ang pagsunod sa rollback sa petrolyo ng iba pang kumpanya ng langis kahit hindi pa naglalabas ng abiso ang mga ito.

Ang bagong bawas-presyo sa diesel at kerosene ay bunsod ng pagbaba ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

National

Chile, niyanig ng magnitude 7.4 na lindol; Pinas, walang banta ng tsunami

Nobyembre 25 nang nagbawas ang Shell ng P1.05 sa kerosene, P0.90 sa diesel at gasolina na sinundan naman ng ibang kumpanya ng langis sa bansa.