Karaniwan na kapag may kaibigan o kamag-anak tayong malungkot, sinisikap nating pasayahin ito. Tinatanong natin kung paano tayo makatutulong upang mapagaan ang pakiramdam nito at minsan, tayo mismo ang nagpapatawa upang mawala ang kapanglawan ng taong iyon. Ayaw nating may malungkot tayong kasama sa barkadahan, at iniiwasan nating maapektuhan ng kanilang kalungkutan. Iniiwasan din nating maging malungkot. Ayon sa Mabuting Aklat, sinabi ni Jesus na may mainam na uri ng kalungkutan. Ano kayang uri ng kalungkutan ang aktuwal na nakabubuti sa atin?

Mainam ang kalungkutan kapag nakikita natin ang ating mga kasalanan sa ating buhay, at sa halip na bawasan lamang iyon o gumawa ng dahilan upang bigyang katarungan ang ating pagkakasala o ikumpara iyon sa kasalanan ng iba, malalim ang ating kalungkutan dahil doon. Kapag nakita natin ang ating kasalanan laban sa Diyos, tunay tayong nalulungkot at nababagabag dahil mahal natin ang Diyos. Ito ang uri ng kalungkutan na bahagi ng ating pagsisisi. Ang ganitong uri ng kalungkutan ang naglalagay sa atin sa landas patungo sa tunay, malalim, at pangmatagalang kaligayahan.

Naaalala mo pa ba ang huling pagkakataon na totoong nalungkot ka dahil sa kasalanang iyong ginawa? Totohanan ka bang nalungkot sa mga mali mong nagawa sa buhay, ang iyong masasamang reaksiyon sa mga sinabi o ginawa ng ibang tao? Nalulungkot ka ba dahil sa ugali mong taliwas sa pagiging tunay na Kristiyano? Siguro kailangan mong maglaan ng panahon upang kausapin ang Diyos upang mamulat ka sa mga kasalanang pumipigil sa iyong mamunay na naaayon sa nais ng Diyos para sa iyo.

Ang tunay na pagdadalamhati sa kasalanang nagawa ay nagbibigay-daan sa kalayaan mula sa tanikala ng kasalanang iyon sa iyong buhay. Kapag tunay din ang iyong pagsisisi at naiwasan mo na ang kasalanang iyon, doon mo pa lamang matatamo ang tunay na kaligayahan.
National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists