Bigo ang Jumbo Plastic Linoleum na umangat sa solong ikatlong posisyon matapos silang masilat sa baguhang Racal Motors, 77-66, kahapon sa pagpapatuloy ng PBA D-League Aspirants Cup sa JCSGO Gym sa Quezon City.

Sumugal ang bagong head coach ng Alibaba na si coach Caloy Garcia sa pamamagitan ng pagsosona sa kanilang depensa at nagbunga naman ito ng maganda dahil pagdating sa third period, nagawa nilang agawin ang kalamangan, 58-50, mula sa 27-33 pagkaka-iwan sa halftime.

``Nag sona kami kasi hindi naman talaga kami puwedeng sumabay sa kanila dahil kulang kami sa bigs. I just challenge my players na we have to play better kasi ang sama talaga nung talo namin last time,`` ani Garcia.

Dahil sa panalo umangat ang Racal sa solong ikapitong puwesto na taglay ang barahang 2-4 habang nalaglag naman sa ikaapat na puwesto ang Giants na taglay ang barahang 4-2 kasunod ng dating katabla nilang Cafe France.

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

Namuno para sa nasabing panalo ng Racal si Jeff Viuernes na nagtala ng 19 puntos, 2 rebounds at 4 steals habang nag-ambag naman ang mga kakamping sina Jason Ibay at Jamil Ortuoste ng 16 at 11 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Sa panig naman ng natalong Giants, nanguna si Mark Cruz na nagposte ng 14 puntos, 7 rebounds at 3 steals.