LOVE was in the air nang dumating si Japoy Lizardo (SEA Games Taekwando Gold Medalist) karay-karay ang kanyang cutie-pie girlfriend na si Janice Lagman (na isa ring taekwando master at Silver Medalist) sa bonggacious Appefize Media Launch na naganap sa Gloria Maris resto noong Sabado sa Greenhills.
Bahagi lamang sina Japoy at Janice ng maraming sikat na celebrity na kinabibilangan nina Derek Ramsay, Richard Gutierrez, Ruffa Gutierrez, Tim Yap, Bela Padilla, Jim Paredes, Christian Bautista, Martin Neivera, Tippi Dos Santos, Jay R, Barbie Almalbis, among others, ng Appefize na nag-introduce ng bagong form of media sa pamamagitan ng kanilang appefication process na tiyak na magiging trendsetter.
Nasubaybayan natin ang journey ni Japoy sa daigdig ng taekwando na naghatid sa kanya sa ABS-CBN para sa isang teleserye. Pero hindi na iyon nasundan dahil mas naging busy siya sa pakikipag-compete sa iba’t ibang bansa na naghatid uli sa kanya ng Silver Medal noong 2013 at nitong 2014 ay nadagdagan pa ng Silver Medal sa Asian competition at sa Poomsae ay Gold Medal uli.
“Naging Silver Medalist din po si Janice noong 2012,” may pagmamalaking sabi niya sabay tingin sa kanyang ka-holding hands na nobya. “Kaya isinama ko na po siya dito sa Appefize para lumawak ang kanyang mundo, tulad ko.“
Sa totoo lang, wala pa ibang ipinakikilalang girlfriend si Japoy magmula nang makilala ko siya sa pamamagitan ng mga anak kong sina Fatima at Farah. Pero nang hapong iyon, ipinagtapat niyang one year and eight months na silang magkarelasyon ni Janice. At totoong taekwando ang naglapit sa kanila sa isa’t isa.
Hindi magtataka ang inyong lingkod kung makita natin sina Japoy at Janice na maging tampok sa isang pelikula tungkol sa taekwando sa pamamagitan ng Appefize media expertise.
Pareho kasing artistahin ang itsura ng magdyowa. Kahit ang mga babasa ng artikulong ito ay tiyak ding sasang-ayon sa aming obserbasyon.
Hindi rin kami magtataka kung isang araw ay sorpresahin tayo ni Japoy ng isang proposal na mauuwi sa kasalan, courtesy of Appefize. We can never tell.
Nabanggit ko kay Japoy na huwag nang pakawalan si Janice dahil bukod sa bagay na bagay sila, eh, puwede rin silang mag-produce ng maraming anak na magpapatuloy ng kanilang passion sa taekwando.
Nakausap din namin nang hapong iyon sina Jim Paredes, Tessa Prieto, at RegineTolentino na punong-puno ng sigla sa bagong karanasan at mga kaalamang matutuklasan nila sa Appefize.
“It’s something revolutionary,” ani Jim Paredes.