AFP– Naniniwala ang tiyuhin at matagal nang coach ni Rafael Nadal na si Toni Nadal na si Roger Federer at hindi ang kanyang 14-time Grand Slam champion na pamangkin ang karapat-dapat na ikunsidera bilang greatest player of all time.

Tangan ni Federer ang rekord para sa Grand Slam titles sa 17 at idinagdag ang kanyang unang titulo sa Davis Cup sa kanyang listahan ng achievements noong nakaraang weekend.

“I think he is (the best of all-time), the numbers say so,” lahad ni Toni Nadal sa Spanish radio station na Cadena COPE. “Federer is the best in the history of the game alongside Rod Laver and, unfortunately for us, it is like that.”

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Ngunit naging consistent si Nadal sa pagkakaroon ng bentahe sa world number two sa kahabaan ng kanilang career.

Hawak ng Spaniard ang 23-10 lifetime record kontra Federer at hindi pa natatalo sa kanya sa isang Grand Slam mula noong Wimbledon final noong 2007.