Dwyane Wade

NEW YORK (AP)– Nagbalik si Dwyane Wade mula sa kanyang seven-game absence at umiskor ng 27 puntos, ang 13 ay sa fourth quarter, sa pagtalo ng Miami Heat sa New York Knicks, 86-79, kahapon.

‘’For me, the fourth quarter is the only one where I can be selfish,’’ sambit ni Wade.

Nagdagdag si Chris Bosh ng 20 para sa Heat, kabilang ang krusyal na 3-pointer sa nalalabing 1:07 upang pigilan ang late rally ng New York.

National

Bagong kurikulum ng DepEd, ipatutupad sa S.Y. 2025-2026

Nagbalik din si Carmelo Anthony matapos ang dalawang larong pagliban dahil sa back spasms upang gumawa ng 31 puntos para sa Knicks. Nagtapos si Amare Stoudemire na may 19 puntos at 12 rebounds.

Matapos maghabol sa 16 puntos, nakalapit ang Knicks sa dalawa, 65-63, sa likod ng layup ni Tim Hardaway Jr. sa huling 9:22 ng laro.

Sinagot ito ni Wade ng isang baseline jumper at itinala ang 12 sa sumunod na 15 puntos ng Miami upang tulungan ang Heat na mapanatili ang kalamangan.

‘’I played 32 minutes, but it felt a lot more like 50,’’ sabi ni Wade, na nagdagdag ng 5 assists. ‘’It took a while. Early on I was just trying to make plays for my teammates.’’

Nang muling makadikit ang Knicks sa dalawa, 79-77, mula sa tip-in ni Stoudemire sa huling 1:23, isang 3-pointer ang naipasok ni Bosh at hindi na muling nagtangka ang New York.

‘’When the situation gets a little tense, a little tight, we need a shot and we run plays that we normally get good looks off of and it was just about having your feet set and shooting with confidence,’’ ani Bosh.

Binuksan ng Heat ang laro na may 10-2 abante at hindi kailanman nagpaiwan.

Nakuha ng Miami ang pinakamalaki nitong kalamangan sa 37-21, mula sa layup ni Bosh, may 4:48 nalalabi sa first half.

Gumawa si Luol Deng ng 10 puntos at 10 rebounds para sa Heat. Nagdagdag si Bosh ng 9 rebounds.

Resulta ng ibang laro:

San Antonio 111, Boston 89

Chicago 102, Brooklyn 84

Golden State 104, Detroit 93

Memphis 97, Sacramento 85

Orlando 93, Phoenix 90

Portland 107, Minnesota 93

LA Lakers 129, Toronto 122 (OT)