Jana Agonicllo at Zanjoe Marudo

PINADAPA kaagad ng Dream Dad nina Zanjoe Marudo at Jana Agoncillo ang katapat nitong programa sa GMA-7 sa una at ikalawang gabing palabas nito.

Sa viewership survey ng Kantar Media noong Lunes (Nobyembre 24), naging number one TV program agad sa buong bansa ang pilot episode ng Dream Dad sa national TV rating na 29%.

Katorse puntos ang lamang nito sa katapat na programa sa GMA na More Than Words(15.5%).

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Lalo pang tumaas ang ratings nito (30.5) nang sumunod na gabi (Martes, Nobyembre 25), mas mataas ng 15 puntos kumpara sa 15.7% ng katapat.

Maraming viewers ang nahu-hook sa kuwento ng Dream Dad lalo na ngayong mapipilitan si Baste (Zanjoe) na talikuran ang babaeng pinakamamahal niya para sa kanyang pamilya.

Inaabangan kung nakahanda na ba si Baste na harapin ang responsibilidad bilang presidente ng kanilang kompanya at kung paano magbabago ang kanyang buhay kapag nagkrus ang landas nila ng batang ulila na si Baby (Jana).

Mas gusto nga yata ngayon ng mga manonood ang feel-good family drama series dahil napapangiti ang buong pamilya habang sabay-sabay na nanonood. Ipinapalabas angDream Dad gabi-gabi, pagkatapos ng TV Patrol sa ABS-CBN Primetime Bida.