Derek Ramsay

MAY narinig kaming kuwentuhan sa ABS-CBN compound tungkol sa posibilidad ng pagbabalik ni Derek Ramsay sa kanila.

Sa isang umpukan kasi ng ilang TV executives, naespiyahan naming pinag-uusapan nila na kasalukuyang inaayos ang muling pagiging Kapamilya ng hunk actor.

Sabi ng isa sa ABS-CBN executives, inaayos na raw ni Derek ang natitira pang panahon sa kontrata nito sa TV5, sa payo naman daw ng may hawak ng isa sa mataas na posisyon ng Dos.

POGO dapat tuldukan na, kalampag ni Kiko kay PBBM sa SONA

After Aga Muhlach, Sharon Cuneta, Nora Aunor at iba pang talents na umalis sa Singko, iiwanan na rin pala ni Derek Ramsay ang TV5?

Tinawagan namin ang isa sa mga taong malapit kay Derek pero kahit anong pilit namin ay wala siyang ibinigay na komento hinggil dito. Pero pasaring niya, abangan na lang daw namin bago matapos ang taon dahil may pasabog daw sila.

‘Yun!