PATULOY ang espekulasyon ng ilang scholars sa London tungkol sa tunay na kasarian ni William Shakespeare.

Nagsimula ang usaping ito kay Sir Brian Vickers nang minsang dumalaw siya sa isang unibersidad sa London. Ayon kay Vickers, mali ang pahayag sa librong Times Literary Supplement na ang sonnet 116 ay isinulat na may “primarily homosexual content”, ayon sa ulat ng Daily Star.

Walang nakikitang ibang kulay si Vickers dito kaya malabo raw ang sinasabi sa book review.

Tinutulan naman ito ng scholar na si Arthur Freeman, sinabing walang “responsible editor” na babalewala sa posibilidad “of homosexual, as well as heterosexual passion” na nasa likod ng sonnets.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Si Shakespeare ay ikinasal kay Anne Hathaway (1582-1616) at nagkaroon sila ng tatlong anak.