Ang pagkakaroon ng isang huwaran ng makapal na mukha ay makatutulong sa iyo na sumulong o ipagpatuloy ang iyong ginagawa habang tinatangka ng iyong mga tagapagbatikos na ibagsak ka. Kaya magkaroon ka ng isang role model na hinahangaan mo sa pagkakaroon ng makapal na mukha.

Kapag pinaaalalahanan mo ang iyong sarili na may isang taoi na nagdudulot sa iyo ng inspirasyon sa ganitong paraan ay makatutulong sa iyong tanggapin na posible ito sa buhay. Maaari pa ngang mag-print ka ng kanilang larawan o ng kanilang mga sinabi sa panayam at ipaskil iyon sa lugar ng iyong trabaho upang lagi mong maalala na kailangan mong tiisin ang mga kritisismo.

Narito pa ang isang tip upang magkaroon ka ng makapal na mukha – ang abilidad na tiisin ang mga negatibong puna ng iba:

    Eleksyon

    Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

  • Gamitin mo ang kritisismo bilang positibong puwersa. – Mahigit isang dekada na ang nakalilipas noong nag-volunteer ako na magsaayos ng files ng aming departamento. Nang matapos ko iyon, iniwas ko ang aking lady boss na makita ang aking nagawa. Kasi ako man hindi nasiyahan. Baka hindi ko rin makaya ang kanyang kritisismo. Ngunit sa hindi sinasadyang pagkakataon, personal siyang naghanap ng files. Hindi naman siya nagalit sa akin, ngunit tiniyak niya sa akin na tuturuan niya akong mag-file ng mga dokumento upang mas madaling mahanap. Nawala ang aking pangamba. Ngayon, pinananabikan ko ang kanyang mga kritismo. Hindi lahat ng ating mga kritiko ay mabait at mahinahon, ngunit kung babaguhin mo ang iyong pananaw, magiging kapaki-pakinabang ang pinakanegatibong kritisismo. Maaaring sa umpisa, hindi mo mauunawaan ang kanilang sinasabi, sapagkat ginampanan mo naman nang mahusay ang iyong mga tungkulin. At malamang din na sumama ang iyong loob na parang wala nang ibang nagkakamali kundi ikaw. Ngunit kung makakaya mong tiisin ang mga kritisimo at sikaping makita ang mga posibilidad na mapabuti ang iyong gawa mula sa mga salitang kanilang binitiwan, hindi mo iindahin ang hapdi ng iyong pagkakamali. Magiging isang puwersa ang kanilang batikos upang mapahusay mo ang iyong paggawa.

Bukas uli.