Nakatakdang bigyan ng espesyal na parangal ng UAAP-NCAA Press Corps sa idaraos na Smart 2014 Collegiate Basketball Awards sa darating na Huwebes sa Saisaki-Kamayan EDSA ang apat na mga piling manlalaro na sina Gelo Alolino, Baser Amer, Jiovani Jalalon at Troy Rosario.

Si Rosario ang nangunguna sa listahan ng special awardees dahil nahirang ang UAAP champion National University (NU) center bilang Doctor J Breakthrough Player sa kanyang mabilis na pag-angat bilang isa sa top collegiate players ng bansa.

Pararanglan naman sina Jalalon at Alolino bilang mga Impact Player dahil sa kanilang mga naging kontribusyon sa kanilang koponan na Arellano University (AU) at NU sa nakalipas na collegiate basketball season sa okasyon na suportado ng Smart Sports, Accel 3XVI and Kohl Industries (Doctor J alcohol, Bactigel hand sanitizer, at Mighty Mom dishwashing liquid).

Kikilalanin naman si Amer ng San Beda College (SBC) bilang ACCEL Court General para sa ipinakita niyang liderato na naging susi upang makamit ng Red Lions ang ikalimang sunod nilang titulo sa NCAA.

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

Samantala, pangungunahan nina coach Eric Altamirano ng NU at Boyet Fernandez ng San Beda ang Coach of the Year award habang pararangalan naman bilang Collegiate Mythical Team sina Kiefer Ravena ng Ateneo, Earl Scottie Thompson ng University of Perpetual Help, Ola Adeogun ng San Beda, Mac Belo ng Far Eastern University (FEU) at Jeron Teng ng De La Salle.

Tatanggap din ng parangal sina Anthony Semerad ng San Beda at Alfred Aroga ng NU bilang Pivotal Players, gayundin sina Glenn Khobuntin ng NU, Kyle Pascual ng San Beda at Almond Vosotros ng De La Salle bilang Super Senior.

Ang taunang event na suportado rin ng San Miguel Corporation, UAAP Season 77 host UE, NCAA Season 90 host Jose Rizal University (JRU), Gatorade at ng Philippine Sportswriters Association (PSA) ay nagbibigay pugay sa top performers ng dalawang pangunahing collegiate basketball leagues sa bansa.