Aabot sa 463 illegal fisherman kabilang ang 200 Pinoy na nagmula sa Tawi-Tawi ang inaresto ng mga awtoridad ng Indonesia, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) kahapon.
Sinabi ni DFA Spokesman Charles Jose kabilang ang dalawang daang Pinoy sa mga dinakip ng awtoridad doon dahil sa iligal na pangingisda sa karagatang sakop ng Indonesia.
Kasalukuyang nakadetine ang mga naarestong mangingisda sa Birau, West Kalimantan sa nasabing bansa.
Nakatakdang bisitahin ng mga kinatawan ng Konsulado ng Pilipinas ang mga nadakip na Pinoy upang matiyak ang kanilang karapatan at mabigyan ang mga ito ng kaukulang ayuda.
Bunsod ng pagkalugi ng $25 bilyon kada taon at mapangalagaan ang likas na yamang-tubig, pinaigting ng gobyerno ng Indonesia ang panghuhuli sa mga illegal na mangingisda sa nasasakupang karagatan nito.