Dalawa sa limang suspek sa pagnanakaw ng mga Outside Access Cabinet (OPAC) ng Bayan Tel ang naaresto makaraang matiyempuhan ng mga security guard ng nasabing kumpanya ang sasakyan ng mga ito sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.

Ayon kay Senior Supt. Rhoderick C. Armamento, hepe ng Valenzuela City Police, kasong robbery ang isinampa kina Glen Cedungog, 38, ng Karuhatan Road; at Ryan Gulmatico, 31, ng Santos Subdivision, Barangay Gen. T. De Leon, ng nasabing lungsod.

Pinaghahanap pa ang mga kasamahan ng mga suspek na sina alyas “Wewe”; Garry Malagamba, ng No. 93 Padrinao Street, Karuhatan; at ang umano’y mastermind ng grupo na si Joselito Carandang, ng San Jose Del Monte, Bulacan.

Sa panayam kina PO3 Ronaldo Subosa at PO2 Josephus Melpaz, ng Station Investigation Unit (SIU), dakong 2:30 ng hapon noong Linggo nang nakita nina Dennis Sunga at Monato Jolo, mga roving security guard ng Bayan Tel, ang Toyota Altis (XBX-156) sa Gen. T. De Leon Road.

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

Sinabi nina Jolo at Sunga na markado na sa kanilang opisina ang nasabing sasakyan dahil nakita na ito sa CCTV camera na roon ikinakarga ang mga ninakaw na OPAC na inilalagay sa kalsada.

Narekober sa mga suspek ang 16 na OPAC sa inabandonang sasakyan ng mga suspek.

Matapos ikanta ng mga ito kung saan nila ibinebenta ang mga ninakaw na OPAC, sinalakay ng Follow-Up Division ang junk shop ni Allan Sevilla, 30, sa No. 2350 M. De Los Reyes Barangay Gen. T. De Leon, dakong 10:00 ng gabi at nasamsam kay Sevilla ang 16 pang OPAC.