Pinag-aaralan ng pamahalaan ang posibilidad ng pagdedeklara ng papal holiday sa pagbisita sa bansa ni Pope Francis sa Enero 15-19, 2015.

Ayon kay Marciano Paynor Jr., dating ambassador to Israel at miyembro ng Papal Visit Central Committee, kaagad nilang iaanunsiyo sakaling magdesisyon ang pamahalaan na magkaroon ng holiday sa mga nasabing araw. Layunin nito na makaiwas sa matinding trapik ang publiko na inaasahang makakaapekto sa negosyo at trabaho.

Nagdeklara na ng holiday si Manila Mayor Joseph Estrada sa kanyang lungsod kasabay ng papal visit.
Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente