Hinihiling ng mga mambabatas ng Magdalo Party-list ang masusing pagsisiyasat hinggil sa umano’y pagbabayad ng P250 milyon ransom sa grupong Abu Sayyaf kapalit ng pagpapalaya sa dalawang German hostage.

“If the payment is indeed true, it has set a terribly troubling precedent that will only serve to encourage the Abu Sayyaf and other kidnap-for-ransom groups to engage in such activities, especially those targeting foreigners,” pahayag nina Rep. Gary C. Alejano at Rep. Ashley L. Acedillo.

Sina Alejano at Acedillo ang may akda ng House Resolution 1679 na nag-aatas sa Kamara na magsagawa ng imbestigasyon, tungkol sa umano’y bayaran ng ransom para sa pagpapalaya kina Dr. Stefan Viktor Okonek, 71, at Henrike Diesen, 55 taong gulang.

“Ang pagbabayad ng milyun-milyong piso sa grupong terorista ay lalo lamang magpapasigla sa kanilang mangidnap ng mga dayuhan, at gamitin ang malaking halagang natanggap sa pagbili ng mga armas at bala panlaban sa Armed Forces of the Philippines at iba pang ahensiya ng gobyerno,” anila.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“The Philippine government denied that payment of ransom money was involved to secure the release of the two German nationals,” sabi pa nina Alejano at Acedillo.

Gayunman, noong Nobyembre 2014 ay may in-upload na video ang mga tulisan sa Internet na nagpapakitang inaayos at binibilang ang bultu-bultong pera na binubuo ng P 1,000 bill.