Nanindigan ang Malacañang na walang “pork” ang panukalang 2015 national budget pero may lump sums ito na “cannot be avoided” dahil kailangan ang mga ito para sa “flexibility”.

Ito ang reaksiyon ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte sa sinabi ni Senate Majority Leader Alan Peter Cayetano na ang budget para sa susunod na taon ay walang pork barrel para sa mga mambabatas pero may lump sums para sa Ehekutibo.

“It’s really a matter of definition. If you think that pork is anything that is a lump sum, then you’re going to find it there because obviously there are lump sums in the budget that we cannot avoid having like the calamity fund, our eGov funds,” sinabi ni Valte sa panayam ng DZRB.

“By their very nature, kailangan may flexibility ang executive. Tama rin po si Senator Cayetano nung sinabi niyang wala naman pong Priority Development Assistance Fund (PDAF) ang ating mga legislator,” aniya pa.

Libreng toll fee sa NLEX,SCTEX at iba pang expressway, ipatutupad sa Pasko at Bagong Taon

Una nang hiniling ni dating Iloilo Rep. Augusto Syjuco Jr. sa Korte Suprema na ideklarang labag sa batas ang panukalang 2015 national budget dahil sa lump sums na nakapaloob dito na maikokonsidera rin na PDAF.

Matatandaang ngayong taon ay idineklara ng kataas-taasang hukuman na ilegal ang PDAF at ang Disbursement Acceleration Program (DAP) ng gobyerno. - JC Bello Ruiz