ISULAN, Sultan Kudarat – Usapin sa ngayon ang pagkuwestiyon ni Land Transportation Office (LTO)-Tacurong City Letas Chief Malluna Mangudadatu sa panghuhuli ng mga tauhan ng Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) sa mga lumalabag sa batas trapiko, at iginiit ng pulisya kamakailan na ginagawa lamang nila ang kanilang trabaho.

Hayagang sinabi ni Mangudadatu na ang panghuhuli ng HPG sa mga motorista ay labas sa mandato ng mga ito, at kinuwestiyon ang temporary operators permit (TOP) at impounding receipt (IR) na iniisyu ng HPG sa mga hinuhuling motorista.

Pero ipinagkibit-balikat lang ito ng isang SPO1 Balayo ng HPG, sinabing makalipas ang ilang oras na pagkabimbin sa kanilang tanggapan ng nahuling sasakyan ay inililipat na nila sa LTO-Tacurong City ang kostudiya rito at ipinauubaya na sa ahensiya ang paniningil ng multa sa bawat paglabag. - Leo P. Diaz

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho