LA TRINIDAD, Benguet – Bumaba ang naitalang kaso ng dengue sa Cordillera noong Enero 1 hanggang Nobyembre 15, 2014 ayon sa Department of Health (DoH).
Inihayag ng kagawaran na umabot lang sa 2,190 ang na-dengue sa rehiyon, kumpara sa 8,779 na naitala noong 2013, kaya may 75 porsiyentong pagbaba.
Ayon kay DoH-Cordillera Infectious Diseases cluster head Dr. Alexei Marrero, noong 2013 ay 14 ang nasawi sa dengue, na nasa apat naman ang namatay sa sakit ngayong taon.
Sinabi pa ni Marrero sa publiko na dapat na laging panatilihin ang kalinisan ng paligid upang makaiwas sa dengue, na dala ng lamok na Aedes Aegypti.