NGAYON ang National Day ng Romania na kilala rin bilang Great Union Day. Ginugunita sa pista opisyal ang pagtitipon ng mga delegado ng ektnikong Romanian na nagdeklara noong 1918 ng pagsasanib ng Transylvania at mga probinsiya ng Banat, Bessarabia, at Bukovina sa Romania. Kabilang sa selebrasyon ang mga talumpati ng mga opisyal ng gobyerno at mga parada ng militar.

Mula 1948 hanggang 1989, taglay ng Romania ang isang Soviet-style command economy. Sa mga panahong iyon, nagtatag ang bansa ng isang ekonomiya na nakabase sa mabigat na industriya. Gayunman, noong dekada 90, sinimulan nito ang serye ng mga reporma sa pulitika at ekonomiya. Umangat ang exports sa loob ng ilang nagdaang taon. Ang pangunahing exports ng bansa ay kinabibilangan ng damit at tela, sasakyan, metallurgic products, pharmaceuticals, chemicals, electrical at electronic equipment, at agricultural products.

Noong Enero 1, 2007, umanib ang Romania sa European Union at isa na ngayong upper-middle-income na bansa na may mataas na human development. Umanib ang Romania sa North Atlantic Treaty Organization (NATO) noong Marso 29, 2004, at miyembro rin ng Latin Union, ng Francophonie, ng Organization for Security and Cooperation in Europe (OSCE), at ng United Nations, pati na rin bilang associate member ng Community of Portuguese Language Countries (CPLP). Ngayon ang Romania ay isang unitary parliamentary republic.

Binabati natin ang a mamamayan at pamahalaan ng Romania sa pangunguna nina Pangulong Klaus Lohannis at Prime Minister Victor Ponta, sa okasyon ng kanilang National Day.
Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race