Anim na gintong medalya ang agad na paglalabanan ngayong umaga sa pagsisimula ng kompetisyon sa centerpiece event na athletics habang 12 naman sa swimming sa pagsambulat ngayong umaga ng mga aksiyon sa 6th ASEAN Schools Games sa lugar ng Marikina, PhilSports Arena at Rizal Memorial Sports Complex.

Agad na paglalabanan ang unang ginto sa torneo para sa mga kabataang student-athlete sa ganap na alas-7:30 ng umaga sa finals ang Boys and Girls 800m finals na susundan naman ng girls long jump finals, boys shot put, at ang pinakaaabangan na event sa athletics na boys at girls 100m finals

Apat na ginto ang paglalabanan bukas, Disyembre 2, sa boys and girls 1,500m run pati na sa boys long jump at girls shot put. Kabuuang 13 ginto naman ang nakataya sa Disyembre 3 habang 11 sa Disyembre 4.

Isang makulay na seremonya naman ang inihanda ng Department of Education (DepEd) at host City Government of Marikina sa isinagawang opening ceremony ng 6th ASEAN Schools Games ganap na alas-5 ng hapon sa Marikina Sports Complex sa Marikina City.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Pinangunahan mismo ng Guest of Honor at siya rin DepEd Secretary Br. Armin A. Luistro FSC at Marikina Mayor Hon. Del de Guzman kasama si Assistant Secretary Tonisito Umali at mga Ministers of Education mula sa ASEAN member countries, athletes, coaches, partners/ sponsors at ibang bisita ang seremonya.

Ang 6th ASG ay taunang sports tournament na hangad mapalawak ang pagkakaibigan sa mga estudyante ng lahat ng mga bansang kabilang sa Southeast Asia na kinabibilangan ng Pilipinas, Malaysia, Singapore, Indonesia, Brunei, Laos, Vietnam, at Thailand.

Hangad din ng torneo na mai-promote ang solidarity sa mga kabataan sa pamamagitan ng school sports at bigyan ng oportunidad ang mga school athletes na makaekspiriyensa ng produktibong cultural exchange.

Paglalabanan sa torneo ang track and field, swimming, basketball, badminton, gymnastics, table tennis (ping pong), at volleyball. Kabilang din ang sepaktakraw (kick volleyball) at pencak silat (martial arts) at ang idinagdag ng host na Pilipinas na sports na wushu.

Huling isinagawa ang torneo sa Vietnam kung saan pinaglabanan ang kabuuang 125 ginto, 125 pilak at 144 tanso para sa kabuuang 394 medalya. Tatlong tanso lamang ang naiuwi ng Pilipinas na mula sa boys’ javelin throw, one in girls’ basketball, and another in boys’ volleyball.